Pilipino
Sabi MO , ang gobyerno natin ay palpak.
Sabi MO , ang mga batas natin ay sinauna.
Sabi MO , ang lokal na pamahalaan natin ay hindi
maganda ang pagkolekta ng basura at ang paglilinis
ng mga lugar.
Sabi MO , hindi gumagana ang mga telepono,
katatawanan ang kalagayan ng trapiko, at hindi nakakarating sa
paroroonan ang mga sulat.
Sabi MO , parang nasadlak sa basura ang ating buong
bansa.
Sabi Mo , sabi MO, sabi MO.
E ano'ng ginagawa mo tungkol dito?
Kumuha ka ng isang taong papunta sa Singapore .
Bigyan
mo sya ng pangalan, yung sa IYO. Bigyan MO sya ng
mukha, yung sa IYO. Lumabas KA sa airport nang
pinakamatino mong sarili na maipagmamalaki sa
mundo..
Sa Singapore Hindi KA nagtatapon ng upos ng
sigarilyo
sa kalye. Ipinagmamalaki MO ang magaganda nilang
underpass. Nagbabayad KA ng mga 60 pesos para
makapagmaneho sa Orchard Road (parang EDSA) mula
alas
5 hanggang alas 8 ng gabi. Bumalik KA sa parking lot
para bayaran ang parking tiket mo kung napasobra ka
ng oras sa shopping o sa pagkain sa isang restaurant.
Sa Singapore , wala KAng sinasabi, meron ba?
Hindi MO susubukang kumain sa lantad kapag Ramadan
sa Dubai .
Hindi MO susubukang lumabas ng bahay na walang takip
ang mukha sa Jeddah.
Hindi MO susubukang lagyan ang isang empleyado ng
kumpanya ng telepono sa London para mapunta sa ibang
tao ang mga long distance na tawag mo.
Hindi MO susubukang lumampas ng 90 kilometers per
hour sa Washington, at saka sasabihin sa pulis "Alam mo
kung sino ako?"
Bakit di MO subukang dumura o magtapon ng upos ng
sigarilyo o balat ng kendi sa mga kalye sa Tokyo ?
Bakit hindi MO subukang bumili ng pekeng mga papeles
sa Boston tulad ng ginagawa sa Recto?
Pinag-uusapan pa rin natin IKAW.
IKAW na gumagalang at sumusunod sa patakarang
banyaga
sa ibang bansa pero hindi makasunod sa sarili mong
lugar.
IKAW na tapon ng tapon sa kalye pagtuntong mo pa
lang sa lupa.
Kung IKAW ay nakikisalamuha at pumupuri ng systema
sa bansang banyaga, bakit hindi KA maging ganyan sa
Pilipinas?
Minsan sa isang panayam, ang dating Subic
Administrator na si Gordon ay may katwiran ng sinabi
nyang "Ang mga aso ng mayayaman ay pinalalakad at
pinadudumi ng may-ari sa kalye, tapos sila mismo ang
pumupuna sa may katungkulan sa kapalpakan sa
paglilinis ng mga kalye. Ano ang gusto nilang gawin
ng mga may katungkulan? Magwalis tuwing makakaramdam ng
hindi maganda sa tiyan ang kanilang alaga?"
Sa America , bawat may-ari ng alaga ay dapat
maglinis matapos ang pagdumi ng aso. Ganuon din sa Japan .
Gagawin ba ng mga Pilipino yun dito? Tama sya.
Pumupunta tayo sa botohan para pumili ng gobyerno at
pagkatapos nuon ay tinatanggal na natin sa sarili
ang responsibilidad. Uupo tayo sa isang tabi at
paghihintay ng pagkalinga at umaasa na gagawin ng
gobyerno ang lahat habang wala tayong iniaalay.
Umaasa tayo sa pamahalaan na maglinis, ngunit hindi
naman tayo titigil sa pagtatapon ng basura sa kung
saan-saan, at ni hindi tayo pupulot ng anumang
pirasong papel para itapon sa basurahan.
Pagdating sa mga panlipunang talakayin tulad nang
hindi pagiging tapat sa kasal, sa mga dalagang ina,
sa pagtatalik ng walang basbas ng kasal, at iba pa,
maingay tayong nagpoprotesta ngunit patuloy naman
nating ginagawa ang mga ito.
Sa sandaling tayo ay mangulila kapag nasa labas tayo
ng bansa, naghahanap tayo ng aliw sa iba, kadalasan
sa
kapwa rin natin Pilipino, na hindi natin iniisip ang
ating katungkulan na ating sinumpaan sa ating
pamilya
nuong narito pa tayo.
Tapos sinisisi natin ang pamahalaan kapag nakikita
natin ang karahasan sa kabataan, pagkagumon sa bawal
na gamot, at iba pa, samantalang sinimulan natin
ito sa hindi pagpansin sa pangangailangan ng ating
mga anak ng tunay na pag-gabay at responsibilidad ng
isang magulang.
Ang sabi natin, "Ang buong sistema ang kailangang
magbago. Ano ang magagawa kung ako lang ang
magpapabago sa aking pamilya?"
E sino ang magbabago ng sistema?
Ano ba ang mga sankap ng sistema? Napakaginhawa sa
atin na ang sistema ay binubuo ng ating mga
kapitbahay, mga ibang tahanan, ibang syudad, ibang
komunidad, at ang pamahalaan. Pero hindi kasama IKAW
at AKO. Pagdating sa ating pagkakaroon ng positibong
handog sa sistema, ikinakandado natin ang sarili,
pati na ang ating pamilya sa loob ng isang ligtas na
pugad at tumatanaw na lang tayo sa malayong mga lugar at
bansa at naghihintay ng isang Mr. Clean na dumating
at maghatid na mga himala.
O lumilikas tayo. Parang mga tamad na duwag na hindi
pinatatahimik ng ating mga takot, tumatakbo tayo sa
Amerika upang makisalo sa kanilang luwalhati at
purihin sa kanilang sistema. Pero pag naging
masalimuot sa New York tatakbo tayo sa Japan o
Hongkong. Pag nagkahirapan ang paghanap ng trabaho
sa Hongkong, sakay agad tayo sa susunod na eroplano
patungong Gitnang Silangan. Pag may digmaan sa Gulf,
inaasahan nating masagip at mapauwi ng Gobyernong
Pilipino.
Lahat ay handang umabuso at gumahasa sa bansa.
Walang
nag-iisip na handugan ang sistema. Ang konsyensya
natin ay nakasanla sa pera. Mga mahal kong
kababayan,
ang sulating ito ay matinding nakakakislot ng
isipan,
nangangailangan ng maraming pagmumuni-muni, at
tumutusok din sa konsyensya. Medyo inuulit ko lang
ayon sa ating salita ang mga salita ni John
F.Kennedy sa kanyang kabansa upang maitugma sa
ating mga Pilipino:
"Itanong natin kung ano ang magagawa natin sa ating
bansang Pilipinas at gawin ang nararapat upang ang
Pilipinas ay maging tulad ng Amerika at ibang
kanlurang bansa ngayon."
Gawin natin kung ano ang kailangan ng Pilipinas sa
atin. Ipasa ito sa lahat ng Pilipino.